Mahal Kong Ser Chief,
Una sa lahat nais kitang batiin ng Magandang Araw. Nawa'y nasa mabuti kang pangangatawan sa ngayon pati na rin ang iyong pamilya. Nais kong sabihin na ako'y lubos na nagagalak sa mga tagumpay na natatamasa mo ngayon. Parang kelan lang, nagsimula ka bilang Commercial Model, pero look at you now? Ikaw na ang in demand na leading man ng Philippine Television.
Alam kong libo libo ang mga taga hanga mo ngayon. Kahit saang sites ako sa internet pumunta, maging sa Twitter, Facebook, Instagram. At masasabi kong isa na ako sa kanila. Aaminin ko na dati hindi naman talaga ako mahilig sa artista. Pero simula nung sinusundan ko na ang bawat paglalakbay mo, masasabi kong nagbago ang pananaw ko.
Hindi kita IDOL,..alam mo kung bakit? Dahil I consider you as an INSPIRATION.. Ikaw bilang isang dakilang Ama, Asawa, Kaibigan. Minsan, naiisip ko, kelan kaya kita makikita ng personal? Mangyayari pa kaya yun? Gusto kong makipag kuwentuhan sayo kahit 30 minutes lang. Parang ganun? Alam kong, mangyayari din yun. All I have to do, is to never give up on that dream.
Araw araw naiisip ko, at lagi kong tinatanong sa sarili ko.. Ano kaya ginagawa mo ngayon? Pagod ka ba? Ano kaya kinakain mo? Hahay..sa dami ng tanong ko sa sarili ko, nagkaka buhol buhol na isip ko. May mga time na, nakaka depress dahil hindi ka nag ti tweet back sa akin. Pero na realize ka na sobrang abala mo na ngayon. Kaya naiintindihan ko.
Sa tuwing nanonood ako ng teleserye mo, hindi isang Richard Yap na artista ang nakikita ko. Pero isang Richard Yap na mapagmahal na Asawa at Ama. Masasabi kong marami ka na ring naisakripisyo, upang mapasaya ang maraming tao. Pero alam ko, na lahat ng yun ay nakikita ng Diyos at alam ko na blessings from Him will just overflow through you.
Aaminin ko, na mahirap magpapansin sayo. Lalo na para sa akin na taga Mindanao. Nakakatuwa lang dahil parehas tayong Bisaya. Hindi ko makakalimutan ang araw ng May 13, 2013 @ 9:45 pm. Nasali ako sa na tweet back mo ng "Salamat sa inyong Tanan". Nakakatuwa lang na sa kabila ng mga isyu against you, eh nakuha mo pa mag tweet in Bisaya na language. I admire you dahil marunong ka lumingon sa pinaggalingan mo.
Nakagawa na ako ng dalawang Gwiyomi Videos. Isang video ng Birthday Message ko para sayo. Hindi ko alam kong napanood mo ba yun. Pero umaasa akong sana nga napanood mo. At gusto ko na gumawa ng Danze Craze para sayo. Hay naku! Bibigyan ko ng title na "SC Danze Craze". Hahaha! nakakatawa lang ako.
Minsan, naisip ko na sana naging hangin na lang ako. Para pwede kitang makasama, kahit di mo ako nakikita. Yun bang hindi ako itutulak ng mga bodyguard mo oh di kaya hindi ako ipagtatabuyan ng mga event organizers mo. Sana masulyapan kita kahit 5 meters away lang. Ikaw na si Mr. Chinito ng puso ko.
Keep on inspiring people at all classes and races. I'll wait for that time when personally, i can see you.
See you on the crossroads Ser Chief! Saranghae..
Nagmamahal,
iamsweetsheng
Buti kapa may tweetback kanä kay serchief, hahaha ako kaya kailan,.Maybe someday dilang tweetback makapapicture narin with him(haha asumera) .
TumugonBurahinTHanks pala for sharin..Ganda nito sobrang nakakarelate..Nice one!
-@rodeLC05
Thanks @rodeLCO5.. Nakaka inspire mag sulat.. :-)
TumugonBurahin